Sa loob ng labindalawang taon at apat na subok, isang matinding hamon ang napagtagumpayan ni Ana Margarita M. Bolso, isang mapagmahal na ina sa nag-iisa niyang anak, bago tuluyang makapasa sa November 2023 Nurse Licensure Examination. Hindi madali para sa kanya ang mahabang panahon na iyon. Marami siyang pinagdaanan at napagtagumpayan sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
Kasalukuyang nagtatrabaho si Ana bilang isang Nursing Attendant sa East Avenue Medical Center sa Maynila. Naninirahan siya kasama ang kanyang anak at ina, at ang balita ng kanyang tagumpay sa board examination ay nagdulot ng malaking kasiyahan hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Ngunit sa kabila ng kasayahan, mayroon pa ring kwento ng pagsubok na nagbigay-lakas kay Ana. Sa loob ng labingdalawang taon at ika-apat na pagkakataon bago niya nakamit ang tagumpay, batid ni Ana na isa sa mga dahilan ng kanyang paghihirap sa tatlong board exams ay ang kakulangan sa pagtuon at ang bigat ng pressure.
Matapos niyang makatapos ng Bachelor of Nursing sa Arellano University, masidhing nagpursige si Ana na pumasa sa exam subalit hindi ito naging madali. Nais niyang makatulong sa kanyang pamilya kaya’t nagtrabaho muna siya sa isang kumpanya bago tuluyang nagdesisyon na magtrabaho bilang Nursing Attendant 1 sa East Avenue Medical Center noong 2015. Kahit na malaki ang pagkakaiba ng kanyang mga tungkulin, sinubukan pa rin maabot ang kanyang pangarap.ย
Sa kanyang pangarap na pumasa sa ika-apat na pagkakataon, sumali siya sa Nurse Scholarship na inaalok ng Department of Health kasama ang Dr. Carl E. Balita Review Center. Ito ay nagsimula noong Agosto ng kasalukuyang taon at layuning magbigay inspirasyon sa mga nagnanais maging nurse sa bansa na makapag-review ng libre. Sa tulong ng Maykapal, hiningi niya ang tagumpay sa huling pagkakataon.
Ngunit dahil sa kanyang trabaho bilang nursing attendant at sa pagiging ina ng kanyang sampung taong gulang na anak, tila mahirap para sa kanya na magtuon at mag-focus sa kanyang review. Pinipili niyang magpahinga o pumunta sa mga coffee shop upang doon mag-aral. Ngunit malaking tulong para sa kanya ang online review platform na ibinigay ng CBRC na kanyang nagamit kahit saan siya naroroon.
Sa tulong ng final coaching, mas pinaigting pa ni Ana ang kanyang pagrereview. Sinubaybayan niya ang mga online videos at pinalalim ang kanyang pang-unawa sa tulong ng mga lecturers. Bukod dito, naging inspirasyon din sa kanya ang mga kuwento ng kanyang mga lecturers.
Lubos ang pasasalamat ni Ana dahil sa wakas ay naging isang “registered nurse” na siya sa bansa. Sa kanyang determinasyon at mga sakripisyo, handa na siyang maglingkod sa larangan ng medisina.


