Working Student at Iskolar, Top 4 sa Nov 2023 Philippine Nurses Licensure Examination

ย Kilalanin natin ang isa sa naging topnotcher (Top 4) sa katatapos lang na November 2023 Nurse Licensure Examination na si Shaira Dimaranan mula sa Cavite. Siya ang gitnang anak sa isang pamilyang katamtaman lamang ang estado sa buhay. Ang kanyang ina ay nagtatrabaho bilang factory worker at ang kanyang ama naman ay musikero sa isang marching band.ย 

Aminado si Shaira na noong bata siyaโ€™y hindi pa klaro ang kung anong kurso ang kanyang tatahakin. Katulad ng isang tipikal na estudyante ay hindi tiningnan ni Shaira na isa siyang matalino o mahusay sa akademiko. Wala rin siyang partikular na interes o libangan na maaari niyang pagbatayan. Ngunit napagtanto niya sa kanyang sarili na gusto niyang magsilbi sa iba lalo na noong una siyang nagvolunteer sa isang komunidad malapit sa semeteryoโ€”kaya’t nagpasiya siyang pumasok sa Nursing.

Gawa ng kahirapan at kakapusan sa pinansyal, si Shaira ay nagtrabaho habang nag-aaral upang matugunan ang kanyang pangangailangan.

ย Ngunit alam niyang kahit ano pang pagsusumikap ay tila kapos pa rin ang kanyang sweldo upang siyaโ€™y makapagtapos. Naghanap si Shaira ng scholarship grants sa ibaโ€™t ibang institusyon at dito nya nakilala ang isa sa nagbukas ng oportunidad upang kanyang ipagpatuloy ang pangarap na maging nars. Sa loob ng anim na taon, ang Manila Tytana Colleges at ang mga mapagbigay na benepaktor nito ay nagbigay sa kanya ng magandang scholarship sa kanyang senior high school at bachelor’s degree. Pagkatapos niyang magtapos, ang Carl Balita Review Center ang nagtustos sa kanyang review tuition para sa kanyang pagsusulit bilang isang nars.

Lahat ng ito ang nagtulak sa kanya na ituloy ang kanyang edukasyon at abutin ang kanyang mga pangarap. Nagsimula siya na walang malinaw na pangarap at kulang sa suporta, ngunit ngayon ay umaabot na sa mga bagay na may kahulugan para sa kanya.

NLE NOV2023 TOP 4 Shaira Mae Dimaranan

Aminando si Shaira na lubos siyang nahirapan sa mga pagsubok sa buhayย  Ang paglalakbay na ito ay hindi isang madaling paglalayag sa ilalim ng maliwanag na buwan, kundi parang may mga ulap na may kasamang kulog at kidlat. Gayunpaman, sa kanyang matatag na suportang natanggap mula sa mga taong naniniwala at tumulong sa kanya, at sa kanyang determinasyon na isulat ang kanyang kuwento ng tagumpay, ito ang nagtulak sa kanya upang maabot ang kasalukuyang tagumpay na ito.

ย Naniniwala siya na ang kanyang kuwento ay nagpapatunay na ang dedikasyon, sipag, at ang pangako sa kahusayan ay maaaring magbunga ng mga nars na mapag-alaga, tagapagtanggol ng dignidad, may kakayahan, at may malalim na pagmamahal sa mga batayang halaga ng ating dakilang propesyon.

JOIN CBRC COMMUNITY

Tags: No tags

Leave a Reply