Nakamit ang lisensya sa edad 43 years old

Si Maria Theresa Ramossa Jalandoni, 43 taong gulang, isang solo parent at dating skilled worker sa Middle East. Nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas upang mag-aral muli at kunin ang kurso sa Bachelor in Early Childhood Education. 

Hindi madali ang naging paglalakbay ni Theresa dahil sa pagiging solo parent. Ang kanyang anak naman ay nasa ika-dalawang taon ng kolehiyo at kumukuha rin ng kursong edukasyon. Bagamat mahirap, pinagsabay niya ang pagiging ina at pagiging mag-aaral, at sa tulong at gabay ng Diyos, tagumpay niyang natapos ang kanyang kurso noong July 14, 2023.

Mula Hulyo hanggang Setyembre, dumaan siya sa matinding review sa CBRC. Hindi biro ang mga pagsubok na dumaan, kasama na ang kakulangan sa pinansiyal, pagod, puyat, at stress. May mga tao ring nag-aalangan at pinagdududahan kung siya’y magtatagumpay, ngunit ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa kanyang buhay. 

Noong Setyembre 24, dumating na ang araw ng pagsusulit. Sa araw na iyon, lumabas siya sa silid na puno ng tiwala sa Diyos, sabay na pagbigkas ng “Thank you, Lord, LPT na ako!”. Ang araw na iyon ay naging espesyal at makahulugan para sa akin.

December 7, ang araw ng validation. Ito ay ang opisyal na pagsusuri para kumpirmahin na siya ay isang board passer. Ang saya at tagumpay na naramdaman ko ay sobra-sobra, at napatunayang sulit ang lahat ng gastos at hirap na naranasan niya sa kanyang pag-aaral at review.

Naniniwala si Therese na ang Diyos ay tunay na gumagalaw ng makapangyarihan sa kanyang buhay. Palagi niyang tinatandaan ang Salmo 46:10 na nagsasaad, “Be still and know that I am God.” 

Sa bawat hakbang ng kanyang paglalakbay, ipinapaabot niya ang pasasalamat sa Kanya. Patuloy siyang nananampalataya na may magandang plano ang Diyos para sa kanya, at sa bawat isa sa atin. Hindi man madali ang paglalakbay, ang Diyos ay palaging kasama natin sa bawat hakbang na ating tatahakin.

— END —

Kwento ng Lisensya Ko!

Kwento ng LISENSYA KO. 📰
I-share mo ang kwento ng Lisensya mo at Magbigay inspirasyon sa mga nangangarap maging ganap na guro kagaya mo.
 

JOIN CBRC COMMUNITY

Tags: No tags

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *