Bawat pirasong isda na nabebenta, naging susi sa pangarap niyang maging Topotcher sa Licensure Exam for Agriculturists

Sa murang edad na apat, naranasan na ni Christian Paul Lazaro ang pinakamatinding unos – ang pagkawala ng kanyang ama. Dahil dito, kinailangan ng kanyang ina na magsumikap ng doble upang mabuhay ang kanilang pamilya. Sa pagtitinda ng isda, bawat hirap at pawis na isinakripisyong kanyang ina ay naging pundasyon ng kanyang pangarap. Maraming trabaho ang pinasok ng kanyang ina: naging kasambahay, gasoline girl, sumasideline sa mga catering services, at marami pang iba. Sa mga mata ng kanyang butihing ina, kitang-kita ang sipag at pagod, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang pangarap para sa kanilang magkakapatid.

Mula pa noong bata pa lamang si Christian, hindi nagpadaig ang aking ina sa pagtulong at pag-aalaga sa kanya. Ang sakripsiyo ng kanyang ang nagtulak sa kanya upang mangarap. Naisip ni Christian kailangan niya ring magsumikap at mangarap para sa kanyang pamilya. Sinabi ng marami na libre ang mangarap, ngunit nkalakip nito ang sakripisyo na kailangan niyang tahakin.

Noong tumuntong ng kolehiyo si Christian ay batid niyang kakulangan sa pinansyal ang naging hamon para sa kanya. Lalo pa’t ito ay natapat sa panahong pandemia kung saan ang pag-aaral ng bawat isa ay nakadepende sa online. Wala siyang cellphone at laptop na maaari niyang gamitin para sa pang ara-araw nap ag-aaral.

Sa katunayan, muntik ng tumigil si Christian sa pag-aaral. Bukod sa kulang ang kanyang mga gamit ay natagalan din siyang kompletuhin ang kanyang thesis. Ito ang isang hadlang na kung bakit nawawalan na siya ng kumpyansa sa sarili. Pero mahirap man ito sa kanya ay tinatagan pa rin niya ang kanyang loob na makapagtapos. Hindi lamang ito para sa kanya kundi para rin sa kanyang ina, ika niya.

Hindi niya inakala na sa tagal niyang natapos ang kanyang thesis ay siya pa ang unang maaprubahan at higit sa lahat ay nakagraduate sa kursong Agriculturists.

Sinundan ito ng mithiing makakuha agad ng lisensya upang siya ay makapagtrabaho agad. Ngunit hindi madali ang pag-abot nito dahil sa mga sakripisyo, matinding pressure, at mga pag-aalinlangan. Bawat pagsubok na hinarap ay alam niyang parti ng proseso sa pagbuo ng pangarap.

May mga araw na pakiramdam niyang hindi niya kakayanin, at may mga sandaling nagdududa siya kung ito ba ay makakamit pa. Ngunit sa gitna ng lahat, patuloy siyang nagsumikap.

Lubos na nagpapasalamat si Christian sa Dr. Carl Balita Review Center (CBRC) dahil sa malaking tulong sa kanyang pagkamit ng kanyang lisensya. Hindi lamang siya nakapasa sa board exam kundi siya rin ang nakakuha ng pinamalaking puntos at naging TOP 8 sa katatapos lang na Licensure Examination for Agriculturists.

Para sa kanya, hindi lang nagbigay ang CBRC ng mahusay na review materials kundi pati na rin ng inspirasyon at payo na nagtulak pagbutihin pa at labanan kahit gaano kahirap ang pagsubok sa buhay. 

Sa gitna ng mga hamon ng buhay, ang sakripisyo ng kanyang ina ang naging inspirasyon niya. Mas naging determinado si Christian sa pagkamit ng kanyang pangarap tuwing nakikita niya ang pagod ng kanyang ina.

NLE NOV2023 TOP 4 Shaira Mae Dimaranan

Sa bawat piraso ng isda na nabibinta ng kanyang ina ay unti-unti nilang nalampasan ang mga pagsubok sa buhay. Hindi lamang ito pang-araw-araw na pangangailangan, kundi naging puhunan din sa kanyang pangarap.

Ipinaramdam ng bawat isdang iyon ang halaga ng pagtitiyaga at determinasyon. Ika ni Chrstian “Ang pagmamahal at sakripisyo ng aking ina, ang nagbigay daan sa aking pangarap na maging isang AGRICULTURIST. Salamat sa pagtitiwala at sa patuloy na pag-aaruga. Ikaw ang aking inspirasyon, at sa iyo, aking ina, ako’y lubos na nagpapasalamat.”

Lubos din ang pasasalamat niya sa Panginoon. Sa mga araw na siya’y nagdududa sa kanyang sarili ay nanjan SIYA upang magsilbing ilaw. Sa mga panahong siya’y kulang sa paniniwala, mas lalo pang pinagbuti at ito ay nagbunga. Lahat ng kanyang pananampalataya sa Kanya ay nagbunga, at ito ay lalo pang hinigitan sa kanyang mga inaasahan.

JOIN CBRC COMMUNITY

Tags: No tags

Leave a Reply