Maria Joan A. Cabural

LET Review Luminaries

Joan Cabural, ang inyong senora babaylan, Isang sikolohista, guro at lingkod bayan. Ipinanganak sa Quezon City taong 1979, nagtapos ng sikolohiya(AB Psychology) sa Paaralang Normal ng Pilipinas.

17 taon na sa karera ng pagtuturo, hinubog at pinatatag ng iba’t ibang unibersidad sa kaMaynilaan. Nabigyan ng pagkakataon maglingkod sa bayan. Kasalukuyang gurong taga payo sa isang pampublikong paaralan, at anim na taong gumagabay sa mga nangangarap na agila. 

Nakapaglibot na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas salamat sa tiwalang naipagkaloob ng CBRC upang gumabay at tumulong sa mga gurong nangangarap. 

Malayo na pero malayo pa sa mga pangarap na nais makamit, mga pangarap tulad ng makarating pa sa mga lugar na di pa nararating, mga taong gusto pang masalubong sa daan at maturuan, makarating sa Siquijor at maging ganap na babaylan. Tuklasin pa ang kakayahang di pa nagising… Lumago pa bilang isang gurong may puso…Sikolohista, minsan artista madalas lagarista.

JOIN CBRC COMMUNITY