John Dale V. Trogo

National Faculty

Si John Dale V. Trogo ay nagtapos ng kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (Cum Laude) at Master ng Artes sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. 

Kasalukuyan niyang kinukuha ang kanyang Doktorado sa Pilospiya sa Filipino medyor ng Pagsasalin sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman. Naging Outstanding Iskolar noong kaniyang pag-aaral. Naging national lecturer siya para sa mga guro at empleyado ng gobyernong kukuha ng pampropesyonal na pagsusulit

Naging aktibong opisyal din siya MAFSociety noong 2017-2019, PUP Kataga Honor’sSociety, konsehal ng CAL-PUP. Nakapokus ang kaniyang mga pananaliksik sa pagsasaling medikal at mga usapin tungkol sa protokol ng pagsasalin.

Nagsalin ng iba’t ibang talatanungan at dokumento tulad ng Multidimensional Frailty Tools, Department of Health COVID-19 website: Selected Texts, Depression, Anxiety, Stress Scale (DASS 21), COVID-19 Pandemic Mental Mealth Questionnaire (COPAQ), Executive Order no. 09, series of 2020 ng Pamahalaang Bayan ng Famy, Anti-Doping, OPUS, at mga consent sa iba’t ibang uri ng sakit. 

Siya ngayon ay kasalukyang nagtuturo sa Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Santo Tomas.

JOIN CBRC COMMUNITY