Antonio Jr. C. Maaghop
National Faculty
Si Antonio Jr. C. Maaghop o kilala bilang “Ginoong AC” ay isang guro sa Filipino sa San Jose High School sa Lungsod Quezon.
Siya ay isang Google Certified Educator at Microsoft Office Specialist. Sa kasalukuyan, siya rin ay naglilingkod bilang isang Filipino National Teacher Broadcaster sa programang DEPED TV, kamakailan lamang, siya ay naging nominado bilang Most Outstanding Teacher-Broadcaster in Filipino at nagkamit ng karangalan bilang Most Outstanding Makatao Episode of the Year sa ginanap na EdTech Awards 2022.
Siya rin ay isang National Demostration Teacher at miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Nagtapos bilang consistent scholar sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya at kasalukuyang tinatapos ang kaniyang Masterado sa ilalim ng programang Master of Arts in Filipino sa parehong pamantasan. Siya ay nakapagturo na sa ilang Pamantasan sa Maynila tulad ng Centro Escolar University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at isang National Lecturer sa Carl Balita Review Center. Bilang isang Filipinolohista at kasapi ng Tanggol Wika, hilig niya ang pagtalakay, pagbabahagi at pagtuklas ng ilang mga kaalaman sa asignaturang Filipino.


