โ€œNurse na, teacher pa, tapos ngayon lawyer na. Bakit pa nagva-volleyball, hindi naman magaling?โ€


All my life, I have only been good at one thing. Ang MAG-ARAL. Kahit pa tawagin akong โ€œlulubog-lilitawโ€ dahil aabsent ako ng mga 1-2 weeks, pero ako pa rin highest sa mga quizzes. Classmates, pa-legit check please. HAHA.

Tapos hayun nawili na sa ONLINE GAMES. Hindi na grumaduate ng highschool. Pero sabi ko nga, magaling ako mag-aral kaya iyong ALS Exam nun ay naipasa ko naman.

 

Nag-nursing ako, kahit wala akong masyadong naaral tungkol sa mga advanced sciences. Pero natapos ko naman. Nagnursing-board exam, naka-top 8 pa nga.

Nagsubok mag-exam ng LET sa kagustuhang mainterview sa national TV ang nanay ko (oo sorry ganun kababaw motivation ko initially. HAHA.) at hayun, naka-top 1 pa nga.
Nagkaroon ng magandang trabaho, naging swerte sa naging boss, nagtrabaho sa CBRC, nakilala sa larangan kahit paano. Kumita ng disente. At hayun, nagkaroon din ng sariling experience na, โ€œhindi na lang pag graduation day nakakapag-Jollibee.โ€

Ilang taon pa ang nakalipas at nagkaroon na ng stable job, stable income, at may pa-bonus pa si sir Carl na business. Swerte sa mga magulang dahil hindi nagpabaya, swerte sa mga kapatid dahil walang kahit na sinong napariwara at mabubuting tao lahat.

It feels like I have been living the life that many people can only wish for. JACKPOT sabi nga nila.

And then one night, bigla kong naalala, gusto ko nga palang maging abogado. MALI. Pangarap ko nga palang maging abogado. Pero wala naman kaming maraming pera nun. Kaya hindi ko na siya naisip sa loob ng mahabang panahon. Pero sabi ko heto na, perfect na ang mundo. Maayos na ang lahat.

And hayun, nag-enroll na nga sa UST Faculty of Civil Law. Before magsimula, dami ko na narinig na mahirap ang law school, mahirap pumasa, hindi lahat nagtatagal sa mundong ito. Pero sa utak ko, โ€œoh well, Prince ba pangalan nila?โ€.

Then naexperience na ang first ever recit ko with a very intelligent professor judge. Alam kong masasagot ko kasi ready talaga ako. Ang tanong, โ€œWhat is the ruling in Ramirez vs. CA?โ€. Si Prinsipe ngiting-ngiti kasi nabasa ang kaso. โ€œJudge, I believe thatโ€ฆโ€ Nagulat ako kasi pinatigil akoโ€ฆ โ€œI donโ€™t care about what you believe Mr. del Rosario, tell me what did the Supreme Court say.โ€ (UST classmates, palegit check. HAHA). Sabi ko okay lang, alam ko naman talaga, malay ko ba sa ganyang kineme sa law school. Fast forward sa second recit, bokya. Mga sumunod pa bokya. Araw-araw nun gusto ko na tumigil. MATALINO AKO DATI AH. TOP 8, TOP 1, Dual Topnotcher, tapos ano? Laging ngarag sa recit. Bulol? Walang maalala?

So nag-file ako ng leave of absence sa law school. Sabi ko sa mga tao, pahinga lang ako, aral ako nang aral eh. Balikan ko iyan. Pero ang totoo, wala akong balak bumalik. Dun na lang ako sa mundo ko, at least ako pinakamagaling dun.

Umuwi na ako ng La Union para makasama ang pamilya. Pero ang totoo, depressed na depressed ako. Pero laging may bawi kasi ako sa dulo. Sa utak ko, โ€œSwerte naman sa pamilya, swerte naman sa trabaho, swerte naman sa mga kaibigan.โ€

Dumating ang araw na nakayanan ko nang ikwento sa mga malalalapit sa puso ko ang experience ko sa law school, na nahirapan ako, na hindi ako magaling dun. But I felt na parang hindi sila naniniwala. Na parang hindi ako pwedeng bumagsak kasi alam daw nila kakayahan ko. Ang tanging nakakaintindi lang sa akin ay si Atty. Stephen na kaibigan ko. Pero kahit iyon, mahirap pa rin i-absorb, kasi siya abogado, ako hindi. I knew they meant well, but I felt so so alone. Down na down na down na down ako.

Then one time, may nag-aya sa akin maglaro ng volleyball. Mahilig naman ako manood ng volleyball so pakiramdam ko madali ko siya matututunan. Pero nagkamali ako. Sorry na. HAHA. Game after game, ako iyong nagiging dahilan bakit kami natatalo sa laro.

Eventually, may narealize ako. Luh, lagi akong nageerror, pero okay lang pala iyon. Hindi ako magaling maglaro, pero pwede pala iyon? Pwede pala akong maging mahina? Then hayun, pahiram idol Vice Ganda, parang โ€œI AM FINALLY SEEN.โ€ In a world where people think I should be the best, there is that one place that allows me to be weak. To be vulnerable.

Bumalik ako sa law school sa DMMMSU CLaw. Mahirap pa rin pero nakakaadjust na. Bumabagsak pa rin, pero nakakarecover na. Sa tuwing nada-down, magvavolleyball tapos lalaban na ulet sa law school. Then hayun, naipasa ang bar exam at ganap na abogado na sa January 23, next year.

If there is one thing that I have learned about all these, that is in a world where people think I should always be the best, there is volleyball that also allows me to be weak, to be vulnerable, to be appreciated.

Find that one special place that allows you to be just you, kapatid.

Michael Prince Notorio del Rosario

Registered Nurse
Licensed Professional Teacher
Bar Exam Passer
Volleyball Champion
Tags: No tags

Leave a Reply