Anak ng Karpintero at Labandera TOP 5 sa LET MARCH 2024

My CBRC Journey

Realizing from a young age that my family wasn’t privileged made me appreciate the value of education even more.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo bilang isang iskolar ng gobyerno na pinagsumikapan kong makuha sapagkat alam ko na limitado ang kapasidad ng aking mga magulang na suportahan ang aking pag-aaral. Ang aking tatay ay isang karpintero na sa mga nakalipas na taon ay nakaranas ng unti-unting panlalabo ng mga mata kaya nahirapan siyang makapag-provide para sa aming pamilya. Samantala, ang aking nanay naman ay tumatanggap ng labada, plantsahin, palinis ng bahay at iba pa para makatulong sa pang-araw-araw naming gastusin. Alam ko na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang suportahan ako ngunit dahil sa hirap ng buhay, kailangan ko ring tulungan ang sarili ko at magsumikap.

Sa limang magkakapatid, ako ang bunso at unang nakapagtapos ng kolehiyo. Para sa akin, hindi sapat na makapagtapos lang ako, kailangan kong paghusayan para makahanap agad ng trabaho, para mapaganda ang buhay ng aming pamilya. Nagtapos ako bilang Cum Laude, na tanging pangarap ko lang noon at isa na itong malaking karangalan. Sa isip-isip ko, baka makatulong ito para makahanap agad ako ng trabaho nang sa gayon ay makapagpahinga na sa pagtatrabaho ang aking mga magulang, pero hindi pala iyon ganoon kadali.

Sa simula, wala sa aking isip na maging isang topnotcher dahil alam kong kailangan kong magtrabaho para makapagreview center; baka hindi maging sapat ang oras ko para magawa iyon. Natanggap ako sa City College of Calapan bilang isang full-time faculty member at ito ang naging daan upang unti-unti kong matustusan ang aking paghahanda sa board exam at sa parehong pagkakataon, ang aking pamilya.

Nagbago ang aking pananaw noong nasa Carl Balita Review Center na ako. Magaganda ang resulta ng summative tests at mock board ko noon kaya sabi ko sa sarili ko, baka kaya ko. Ito rin ang palaging sinasabi ng mga lecturer ng CBRC lalo na ni Dr. Balita, na wala akong rason para hindi pumasa, para hindi mag-top dahil maraming ibang tao na may mas mabigat na pinagdadaanan o sitwasyon kaysa sa akin pero nagawang magtagumpay. Nakita ko rin kung paano nagbago ang buhay ng mga topnotchers ng CBRC kaya unti-unti, habang tumataas ang tiwala ko sa aking sarili ay pinangarap ko ring maging isang topnotcher.

I invested a lot for this review, this license, and this achievement. Itinabi ko ang iba sa sweldo ko para makabili ng libro. Kahit kapos at wala akong mai-abot sa aking mga magulang na malaking halaga, tiniis ko dahil malaki naman ang balik nito kung sakali. Limitado rin ang oras ko dahil sa paghahanda para sa pagtuturo na hindi ko maaaring pabayaan sapagkat isa akong guro, sa akin nakasalalay ang matutunan ng mga estudyante ko. I managed my time, planned my review schedule and became disciplined in following it. Habang nasa tricyle papunta sa school, libro ang aking kapit at nagbabasa. Tuwing hapon galing school, I prepare the materials and lecture for my class until 10 pm and the rest of my time until 12 midnight o kaya minsan madaling araw, I reviewed, answered questions, and read my CBRC books. Tuwing weekends, full time reviewer ako, nilabanan ang antok at pagod dahil alam ko na bawat lecture mahalaga. It was exhausting, kalaban ko ang puyat at pagod pero hawak ko ang hope na ililigtas ako ng vitamins at ni God mula sa anumang sakit. I had breakdowns, silent breakdowns na ako lang ang nakakaalam. I almost gave up to the point na gusto ko na lang ituloy sa susunod na examination ang pagboboard exam ko. Pero, I prayed hard and surrendered everything to Him. With His help, hindi ako nagkasakit until board exam. I prayed that the miracle which he did for me, which helped me ace my mock board exams, uulitin Niya in the actual board.

Everything paid-off, I did not only pass the LET but I am now also a topnotcher. My heart is so full of joy and gratitude for all of the greetings. I did not really dream to become a topnotcher before, all I wanted is to improve the life of my family. Now that I have achieved it with the help of God, my alma mater Mindoro State University, my family and friends, and of course, Carl Balita Review Center, I hope that I have brought pride and honor to everyone. I am wishing for more opportunities to come, not only for myself and my family, but opportunities to also help other aspiring LPTs and topnotchers, especially ang may katulad ko o may mas mahirap pa na pinagdadaanan to be inspired and dream big so that they and their dreams also become one.

CHRISTIAN ALBERT PASKIL Top 5 LET March 2024

Tags: No tags

Leave a Reply